About me
Hi, how are you? So ayun gusto ko lang sana mag share ng mga favorites mga gusto mang yare sa aking buhay at mga araw araw kong ginagawa. My favorite ko is color black and white kasi bagay sakin mga ganyan na color then kung sa mga bagay naman gusto ko naman na color is green ang ganda kasi niya para sa mata ko. My favorite foods, naman is kahit ano wag lang gulay. My favorite outfits is pang boyish type like tshirts short or pants then shoes. My favorite place is korea para makita ko na mga idol ko dun like BTS and Blackpink. My favorite pet is dog kasi malambing tapos mabait lalo na pag sa amo nila. My favorite songs, depende sa mood kung gusto ko ba ng pang RMV na songs minsan korea songs minsan naman mga old songs. My favorite movie, kahit ano basta wag lang horror di ko trip manuod ng horror movie kasi magugulatin ako. My favorite actress or actor si Sanya Lopez sobrang ganda nya simple lang sya. My favorite singer is Julie Ann San Jose matagal ko na siya idol bata palang ako lagi ko kinakanta yung kanta nyang I'll be there. Lagi lang din ako nasa bahay mag hapon lang ako nag aalaga ng pamangkin ko at minsan naman nag aaral ng mga sayaw sa tiktok, ako lang kasi maasahan ni mama sa bahay kasi napapagod din siya sa mga gawain kaya tumutulong ako tapos mga ate ko naman nag tatrabaho. Bunso ako saming mag kakapatid plano ko talaga unahin mga magulang ko para makatulong ako sa kanila at lalo na mapauwi ko na si papa ofw kasi papa ko. Kaya habang tumatanda na gusto na niya umuwi dito sa pinas para makasama na din niya kami.
Dancer po ako samin sa barangay palang ako dati nasayaw sayaw kasama mga pinsan ko noong bata pa ako nung mga lagi na ako nasasanay sa tao kahit sa school program sumasayaw na ako then natigil lang nung nag karoon ng pandemya. Nag drawing din ako pero ayoko ilabas talent ko sa pag drawing kasi feel ko mapapahiya ako pag nag drawing ako ako po kasi yung tipong mahiyain sa iba pero sa mga close friends ko naman maingat at madaldala ko. Kumakanta rin ako pero hanggang sa bahay lang talaga boses ko pag kami kami lang ng mga kamag anak ko. Mas pinili ko nalang sumayaw kasi mas dun ko ipinapakita sa mga tao yung moves ko sa pag sayaw
Comments
Post a Comment